Need magsipag. Need rumaket.
- Mahal na ng gasolina - ikain na lang sa Jollibee ng burger steak or ng spaghetti kaysa i-glug, glug, glug lang ng makina ng kotse. Ang MRT, fx, bus and jeep ang mga bago ko ka-tropa nagyon. Jologs na jologs nga lang ang dating ko and wala talaga ka-glamour glamour ang makipagsiksikan sa madlang people pero need and i-psyche na lang ang self that it's going to be worth every centavo saved.
- Mahal ng school service ha - my golly, eh syempre parang system loss ng Meralco yan. Pass to the consumer ang cost ng gasoline. Sige, ayaw mag-school service? Baka naman mas malaki pa ang gastusin sa hospital pag nasagasaan sa pagtawid ang mga precious.
- Dysfunctional digestive system - laging gutom ang dalawang sundalo. Kulang pa daw na baon sa maghapon ang: 2 tinapay, 2 C2 500 mL, 1 bote mineral water, 1.5 tasa ng kanin at sangdamakmak na ulam. Kahit na kalde-kalderong kanin ang kinakain sa umaga at bandehadong meryenda ang kinakana pagdating sa hapon. Buti na lang andyan ang canteen ni nanay.
- Bahay-ng-kalapati-in-the-making - malapit na!!!!
- Ford Everest - yung kulay blue din. Pero makikisakay na lang ako kay Cynthia, mahal na din ang diesel hahahaha.
- Unang milyones sa edad y trienta'y singko - in english first million at the age of 35. CASH. In tagalog, kash. In USDollars (pero realistic ako kaya in pesos na lang). Yup, O*N*E M*I*L*L*I*O*N C*A*S*H. Not in term of properties or assets. Basta cash sa bank. At sympre dapat wala din utang o liabilities.
Eksena sa Umagang Kayganda this morning: meron silang segment sa show kung san they get poor people and kung ano ano makabagbag damdaming kwento at makalubag loob na background music. Ang siste, a celeb or an ABS-CBN talent will donate something to swap for money/goods na kailangan ng (exploited) poor people. Kanina, mag-asawa na may 6 na anak. Ang tatay nakiki-extra sa tricycle. Ang nanay ewan. Ang kwento ng buhay nila nakikihiram ng kaldero sa kapitbahay para makapag-luto sila. So kung hindi ipahiram, eh wah sila tsibog. To make it mas nakakaawa natangay pa ni Frank ang bahay nila. Ang hiling ng nanay, kaldero daw.
Ang iPod ni Korina Sanchez, kapalit ay kaldero. Syempre ang mga dupang na sponsors, kanya kanyang donations na "livelihood showcase" (eh hindi nga kaya pakainin ang mga dyunakis, mag-tinda pa kaya ng produktong wala naman nakakakilala?). Si Donita, donate ang tsinelas nya.
Ano ba?!?!
Ako lang ba ang hindi natutuwa?
Oo sige, may natutulungan ang show. Hindi "nagbibigay ng pera" kundi kabuhayan ang bigay nila. Pero naman, stop, look and listen. Ang laki-laki ng katawan ng tatay at haler, ang buhok ng nanay de-kulay. Atsaka wala sila makita trabaho? Ang laki ng katawan nila noh. Nakakaya nga nila gumawa ng sangkaterbang bata!
Eh bakit may nagtya-tyaga mag-walis sa EDSA, may traffic enforcers, at madami pang iba? Punta sila sa ilalim ng overpass sa QAve and EDSA, araw-araw may pa-training dun sa mga walang makitang trabaho.
Wala naman yumaman na instant. Kahit ang mga nanalo sa lotto at suwipistik, nagtyaga ang mga yan pumila (meron nga ba nanalo dito?). Si Manny Pacquiao, bago magkaroon ng milyon milyon yan katakot takot na bugbog ang inabot ng katawan at ulo nyan. Even Bill Gates, nagpuyat at nalipasan ng gutom yan bago naging milyonaryo. Madami na akong nasaksihan sa mga tauhan ng nanay ko. Hindi nakatapos ng pag-aaral ang karamihan pero pag nagpakita ng kasipagan, tyaga, maging honest and appreciative sa kahit na anong blessing, dadating ang panahon na makakaalwan din.
Mahirap ang buhay. Kahit sino (dollars man o peso ang sweldo) ang hirap ng buhay ngayon. Lahat ng pagtitipid gagawin para makaraos. Pero kung iaasa na lang sa swerte o sa ibang tao talagang wala mangyayari. Hindi masama mangarap. Yun na nga lang daw ang libre eh. Kaya lang dapat kumilos.
So bottomline... back to work. Neet to act for my first millon in cash.
Cross-posted at:
http://takeitallaway.blogs.friendster.com/blue/2008/07/ninette_has_upd.html