Grabe na ang pagka-desperada
Ulo ay talagang sira na
Sapagkat sariling kamag-anak pakinggan sya ay ayaw na
Kwento ay imbento at tagpi-tagpi nakakasawa na.
Totoo nga yata ang sabi nila
Madalas ka nakikita
Naglalakad mag-isa
Sarili ay kinakausap pa.
Pagpansin sa iyo ay hindi na nga ginagawa
Pagsunod mo tuloy ay mukha ng nakakaawa
Gustuhin ko man sa iyo ay matuwa
Hindi ko naman alam ang iyong mukha.
Sa katiting mong pag-iisip
Siguradong mga sinabi ko ay hindi mahahagip
Gusto mo mga salita ay isalin
Sa lingguahe mong bisaya aking gagawin.